United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Capagca-umaga ay ipinag-utos ni Agriculáo n~ga sa man~ga verdugos, na ang man~ga Martir na man~ga soldados na sa paliguan hirap ay malubos. Na pauang balian namang para-para niyong man~ga hita at tipunin sila, sa siga,i, sunuguing lahat capagdaca ito sa verdugos ang babala niya.
Lubos ang caniyang pagsampalataya sa cay Jesucristo, at pag-ibig niya, matuluyang kitlin ang tan~gang hinin~ga yaon ang Dios niyang kinikilala. Ipinatauag na niyong asal hayop na si Quinciano, ang man~ga verdugos, ni Santa Agueda ay ipinag-utos na pagtatampaling lacas ay iubos.
Si Quinciano n~ga,i, bagcus pang nagalit sa bagay na yaong caniyang nabatid, at ipinag-utos n~g lalong mahigpit caladcaring hubad na bigyang pasakit. Doon sa lupa n~gang sadyang sinabugan n~g maraming bága,t, man~ga bubog naman, ang utos na yao,i, agád ginampanan n~g man~ga verdugos na pauang sucaban.
Salita Ng Araw