United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa calooban n~g República at sa m~ga bayang malalaqui at daldalan n~g sarisaring tauo ay maglalagay n~g isang casamahan n~g m~ga Polisonte, at ang macapapasoc dito ay ang m~ga tauong may pinagaralan at quilalang may inin~gat na dan~gal at tuga ang pamumuhay, na mauauan~gis sa Comisario sa caupahan at catayuan.
Sa arao na tadhana n~g m~ga nasabing Puno ay mag titipon ang m~ga may carapatán sa baua't nayon at ang m~ga matandá sa baua't bayan at pasisimulan ang pulong, pag papauna n~g Puno sa m~ga caharap na ang tunay na mag sasangalang sa capurihan at cagalin~gan n~g lahat ay hindi iba cundi ang man~ga tauong tuga at may puring inin~gat, marunong cumilala at sumunod sa catuiran at masipag; caya't ang macapagsanla nitong tatlong hiyas ang siya lamang dapat macahiram n~g pananalig n~g bayan.