United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !
Baga man totoong ligalíg ang canyang calooban sa m~ga pag-apíng nangyayari sa canyang cababayan at sa mahigpít na pag-uusig na sa canya'y guinágawâ n~g m~ga fraile, hindî rin siyá naglilicat n~g pagsulat; inihulog niyá sa wicang tagalog ang iláng maiinam na tuláng wicang alemán, at sacâ ang bantóg na drama ni Schiller na Guillermo Tell ang pamagát, na wicang alemán din, at bukod sa roo'y nanggágamot pa siyá sa m~ga may sakít sa canyang bayan.
Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy n~g m~ga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ati~g Rizal, n~g isá~g mabutí~g kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si Prof. Blumentritt; mulâ sa baya~g itó ay napatu~go siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog a~g «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas.
Salita Ng Araw