Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 11, 2026
¡Ah! ... ang nasambit na lamang ni Tirso. ¡Eh! ... ang tudyo n~g isa. ¡Ih! ... ang katlo n~g isa pa. ¡Oh! ...-ang habol pa rin n~g isa. ¡Uh! ... isinusog naman n~g iba. At ang malakas na tawana'y nagsumikip sa loob n~g bahay. ¿Nahan ang pan~gako mong larawan? ang halos panabay pang iniusisa n~g m~ga panauhin paghulaw n~g tawanan.
Mangyari, ang sambot n~g mestisa, ay sa dinatnan ninyong patay sa akin ang dating kaligayahan n~g puso; at bagaman namamalas ninyong ako'y nakatawa rin, ang kaluluwa ko ay putos n~g luksa't may nilulunok na apdo n~g kadalamhatian. Ang dating tawana'y nasaksihan ni Tirso na napaltan n~g sandaling pananahimik.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap