United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa ganda n~g iyong dibdib, baywang, batok, ay sinong banal pa ang hindi iirog? ¿Sa puti n~g iyong kamay na nilalik, sa m~ga labi mong may pulot at init, sa m~ga paa mo't binting makikinis ay sinong pihikan ang hindi iibig? Kung sinusukat ko ang ganda mong ari, puso ko'y ninibok at nananaghili, aking nasasabing Talo ko ang Hari kung ako ang iyong mamahál na tan~gi !
¿Sadyâ? ¿anông sadyâ pa ang sinásabi mo? Akó'y pinaparito niyá ang matuling sagót n~g bugaw ni Pati akó'y pinaparito NIYA, ang ulit pang nang-lalakí ang boses at sakâ minalas malas ang kanyáng kausap na tila bagá warìng sinúsukat ang kanyáng m~ga pananalitâ. Ang dating namúmulâng mukhâ ni Sawî, noón ay namutlâ. ¿Sinóng niyá ang sinásabi ni Tamád? ¿Si Pati?