United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tahanang nag-inam sa pagcacalapit dalauang pamuno n~g pagcaca-alit, sa laqui at dalas niyaong pagcacaliz siyang naguing sanhi at nag-bigay pait. Cung masauatá man sa sandaling oras n~g Principe Scala tuing man~gag lamas, yao'y para lamang han~ging pampanin~gas cung baga sa basang cahoy na nasalao.
N~gunit n~g marin~gig n~g paa ang yabag ni Fray Lorenzo umurong sa agap; at n~g maaninao ininlaga'y bicas sa canlun~gang libing madaling lumabas. Lahat na nangyaring narin~gig namasdan sa Principe Scala pinagbigay alam, at noon ang arao anyo nang sisilang caya gauin dapat ualang ibinalam.
At n~gayo'y bago ca isapit sa uacas n~g pangabing piguing, bumabasang liyag, pacaquilan-lan mo n~galan pagcat dapat bunying Capuleto ang naguing causap. Ito't dili iba't ang Conde de Paris, Principe Scala capinsang malapit, sa ibang talata aquin nang binanguit at hangang sa huli sundan mo n~g isip.
Sacsing nagsiharap ito'y pinagtibay at nan~gagcaisa boong casagutang, baquit sa higanti ang punong dahilan n~g Principe Scala sa mahal na pinsan. Ang lagda n~g hatol ano't n~g dumating Romeo'y sa buhay dapat na maquitil, parusang capalit ay ang ualang taning na, sa ibang bayan siya ay dadalhin;
Salita Ng Araw