United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili. Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa salsero na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.
Cun cailan~gang magsangcap nang salsa, ay magbuhos nang caunti sa caniyang pingan, at cun ang salsero,i tasa lamang ay caoquin nang cucharang malinis. Ang cuchara ó cuchillong marumi, ay di dapat gamitin sa ulam na nasa mesa, at nang di pangdirihan nang iba. May isa namang ugali, na ang namamahala sa mesa, at namamahagui nang ulam, ay ang man~ga casambahay ó caibigan caya nang may piguing.