Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 4, 2026
QUINALALAGUI-AN. Sa "Kun sino ..." ay kinalalagian" din ang nakalagay; subali't sa palimbag ni P. Sayo ay "kinalalagyan", at ganito rin sa malas ang kay De los Santos pagka't "en el Makati río donde se reflejaba" ang pagkakakastila niya.
Mapaghahalatang susog diya'y mali ang "kinalalagyan", at "quinalalagui-an" ang tunay na ibig sabihin ni Balagtas, pagka't "lagi" na sa Makating ilog si Celia, at siyang ilog na liniligawan ng Makata. At ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay "quinalalagui-an" nga ang tama sa natatandaan nilang magkakapatid.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap