United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya si Romeo'y m~ga uicang sagot malubay at acma't sa puso ay hugot; n~gunit sa paalam sumagui ring lungcot ang jardin n~g sinta tinumpa't pinasoc. Bintana'y pagpanhic sing-sinta'y nag-yacap casabay n~g luhang sa mata'y lagaslas, napupot ang sulit, halos man~gauasac ang capoua dib-bib sa lumbay naglapat.
Romeo'y naurong't ang bangcay minasdan n~g ibig magcamit cay Julietang hirang sa niuari-uari pinasoc n~g suclam pati pinamatay ay pinagtapunan; At saca madaling ang bangcay binuhat tuloy iquinanglong cung saan nalagac ang sa cay Tibaldong, naguing punong hirap nila ni Julietang, patay rin sa balac.
Cahima't sa gayon ang ibig sabihin munting nalisiya, pagcat nan~ga quitil buhay nila'y bago casundo inamin n~g capoua ama't nauala sa tiquim Julieta't Romeo, "sumpa-ay n~g tapos," sa simbahan Ciudad maayos pinasoc, man~ga cagayacan sa labas at loob sa matang natin~gin ang toua'y hahandog;