United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Si Elíng namán! Bákit mo kayâ pinamamáhay ang kalulwá ko sa pangangambá?... Sagutín mo sana akó. Sa akin ba tumutúkoy?" "Hindî...." ang wari'y walâ sa loob na sagót ng binibinì. "Oh, Elíng ko! At ang ibig mong sabíhin ay di ka na makalilíngap kanino pa man, líban sa ákin?" Isáng busilak na langit ang nabuksán kay Gerardo.