United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa araw at bwan naman ay nan~gagsi sisamba rin na gaya sa Kalusunan: At dito nakita ni Pigafeta ang paraan n~g pagsamba sa araw, na anya'y ganito: Sa pagpapasimula ay tumutugtog n~g ilang malaking tambol; saka naglalapit n~g tatlong pingan; na dalawa'y punô n~g kanin at n~g mais na nabibilot sa dahon, at may kasamang isdâ; at ang isa'y may káyong kambray at dalawang hidahon n~g palma Naglalatag n~g kayong kambray sa lupa, sakâ lumalapit ang dalawang matandang babae na bawa't isa'y may tan~gang pakakak.
TALABABA: Si Pigafeta ay isang italiano na kasama ni Magallanes sa pagkasumpong n~g m~ga kapuluang itó, at siyang tan~ging; sumulat n~g aklat na tungkol sa kanilang paglalakbay at pinamagatan niyang «Ang unang paglalakbay sa Palibot n~g Sandaigdigan».