United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa araw at bwan naman ay nan~gagsi sisamba rin na gaya sa Kalusunan: At dito nakita ni Pigafeta ang paraan n~g pagsamba sa araw, na anya'y ganito: Sa pagpapasimula ay tumutugtog n~g ilang malaking tambol; saka naglalapit n~g tatlong pingan; na dalawa'y punô n~g kanin at n~g mais na nabibilot sa dahon, at may kasamang isdâ; at ang isa'y may káyong kambray at dalawang hidahon n~g palma Naglalatag n~g kayong kambray sa lupa, sakâ lumalapit ang dalawang matandang babae na bawa't isa'y may tan~gang pakakak.
Sa pagsamba't pananampalataya sa Kalusunan; ay mapagmamalas n~g sino mang mapag-aral n~g iba't ibang religión na yao'y isang religiong haluán: at sapagka't hindi ang nasa ko rito'y saysayin ang dahil n~g pagkakahalohalong yaon, kundi isaysay lamang ang dating ugali n~g m~ga Tagarito, ay ipatutuloy ko ang tungkol naman sa Kabisayaan.