United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pitóng andana ang hanay nitong cañong nalalagáy, ang calzadang lalacaran tuloy sa palacio real. At anim ang batería na may cañong para-para, at ang nacacentinela coroneles na lahat na. Nang ito'i, mangyaring tunay cahit isa'i, ualang culang, ang princesa'i, nalis naman at sa cuarto'i, nagtuluyan. Ay anó'i, pagca-umaga ang hari ay naguisíng na, ang putuca'i, sabihin pa sa castillo at batería.
Para-para silang nakinig nang Misa sampon nang Infanteng Hispericos bagá doon sa Simbaha'y napipisan sila at nananalan~gin sa Dios na Amá. Ginagamit nila ang boong pag-galang at lubhang malabis na pagpipitagan, at sila ay doon nakikipanayam sa Dios na Haring macapangyarihan.
Niyong oras din n~gang sinasaysay naman ni Teopilo, sa ilang caibigan, ang biling bulac-lac at bun~gang halaman na ipinan~gacong siya,i, padadalhan. Ay nagtatauanan silang para-para ualang ano ano,i, nacakita sila, niyong isang batang lalaking maganda sa cay Teopilo,i, lumapit pagdaca.