United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !
Liban na lamang cun ang Kapisana'y nasasará at totoong mahigpit ang pagcacailan~gan, at cun magcaganito'y maipacacana n~g Pamunoan sa ilalim n~g boo niyang pananagot at pag naicuhang sanguni sa Tanu~gan ang pagsansala n~g catuiran at pagpapahaba n~g taning na nababanguit sa itaas; n~guni gayon ma'y caracaraca'y ipagbibigay alam sa Kapisanan cailan ma't ito'y mangyayari.
Pasisiyahin din naman ang pananagot na aacoin n~g m~ga Hucom at iba pang may capangyarihan na sumalansang sa m~ga catuirang itó, pati nang parusang lalapat sa canilang catauan ó nang casiraang sasapit sa canilang pag aari.
Ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa Hucom na may capangyarihan, at ito'y siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo niyang pananagot na huag gamitan ang napipiit n~g ano mang gauing pagpapasigao at pagpapahirap at agad-agad susugpuin ang ano mang maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan.