Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 7, 2026
Cun siya,i, matapos na gumauá, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap. Cun nagdaan sa init nang arao ó nagdaramdám caya nang gutom, hindi malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubun~gin nang tua at pagibig, nang may pagcalamigan ang loob. Cun maquitaan mo nang galit, ay houag salansan~gin, at nang di pagtalunan.
Cun macarinig nang di catouiran at di mapan~garalan ang nan~gusap, ay paraanin; cun ang marinig ay lihis sa catotohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan. Si Honesto,i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganang sarilí at sa paquiquipagcapoua, tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pagaralan nang isang batang cristiano.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap