United States or Christmas Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pagibig ay isang bagay na hindi nararapat paglaruan; kung ang pagibig ay isang laruan ay walang katamisan sa puso. Na, ang kahabaghabag na iyong naging kaisangpalad ay ngayon ay nalibing na.
Kasinungalingan! Kasinungalingan daw. Eduardo, diyata kaya't hindi? Nang sa anong paraan Leoning? Huwag mong pahirapan ang puso kong malaong nangulila sa iyong harapan. Pahirapan Eduardo, pahirapan pa ang iyong sasabihin matapos mong paglaruan ang aking palad na.... At di naituloy ni Leoning ang sasabihin. Paglalarong ano Leoning? Oh! di nakita mo na at ikaw pa'y magkukungwari.