Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 24, 2025
Nagpakamatay siya sapagka't siya na rin ang nasilaw sa kawalanghiyaang ginawa ng asawang nagsukab at kung hindi niya mapangilagan ang masamang ibubunga noon ay isang kabulukang kanyang tatamuhing pagkasamasama. Inilagan niya ang masasamang asal ng asawang sukab at minatamis pa ang mahimlay sa lupang hantungan ng lahat.
Ano kaya ang sasabihin kung mamalayan ng madla? Ano ang sasabihin sa kanya? Walang ulo, walang dangal at niluko ng asawa. Oh! pagkasamasama! Wala nang nakapagbibigay lumo sa kanyang katawan kundi ang mga suliraning ito. Diyata at ipagtatapat niya sa harap ng hukuman na gayo't ganito ang nangyari? Kay saklap na sabihin at nakahihiyang totoo! Ang kanyang asawa'y nagsukab! Kay samang pakinggan!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap