United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !
75. =Kailan namatay si Bonifacio at ano ang ikinamatay?= Ang m~ga tanóng na iyan ay mahabang salaysayin. Gayon man, ay pagaralan nating ipatanto ang ilang bagay ukol sa pagkapatay sa kanya.
77. =Anó ang palapalagay hinggil sa pakakapatay kay Bonifacio?= Hindi nagkakaisa ang lahat sa kanilang kuro at palagay ukol sa pagkapatay na yaon sa Ama n~g ating Paghihimagsik. Nagkakasalun~gatan at nagkakaibá. May nagsasabing tumpak at may nagsasabing hindi. Si José Clemente Zulueta ang siyang, umanó, nagsabi, na "Kailan~gan sa ikapagtatagumpay n~g Paghihimagsik ang pagkapatay kay Bonifacio, n~g m~ga panahong yaon": at ang kilalang mananalaysay na si Epifanio de los Santos, sa kanyang isinulat ukol kay Bonifacio, na pinagkunan n~g ilang mahalagang salaysay n~g munting aklat na ito, ay wari'y nagpapakilala n~g pagsang-ayon sa kuròng yaon ni Zulueta; subali't si Mabini, ang Dakilang Lumpo, ay kasalun~gat. Anitó sa kanyang tal