United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang totoo niyang iquinaliligalig, ay ang paghanap nang paraan na magcaroong mulî nang apuy cung sacali,t, mamatay ang caniyang sigâ. Cung minsan ay quinacamot ang ulo sa pagpipilit nang pagcucurò nang mabuting paraan; cung minsa,y, biglang ilacpac ang camay sa pagcapagod nang caiisip; cung minsa,y, nagpapasial, na di maalaman cung ano ang caniyang gagau-in.
Dito napagquilala niya ang totoong casalatan nang tauong nacaisa isa, at cung gaanong cagalin~gan ang quinacamtan natin sa paquiquisama sa ibang man~ga tauo; sa pagca,t, napagcucurò na ninyo na cung may isa siya sa caniyang siping na pagcapagod niya,y, halinhan siya, ay marahil ay macacacuha sila nang apuy.