Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 29, 2025
Ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug nang bahay ó sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang cadahilanan. Sino mang taga Pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay ó n~g lupang tahanan, cun hindi ito ipagutos sa hatol na ilinagdá nang catampatang may capangyarihan, capagnadin~gig ang may usap, sa man~ga bagay na nabibilin sa cautusan.
Ibibilin nang cautusan ang paraan nang madaling paggaua n~g pagpapaluag na ito at gayon din naman ang man~ga quinacailan~gan upang lapatan n~g mabilis na parusa ang man~ga nagsigaua nang di nadadapat na pagpiit ó pagbibilango.
Ang pasiyang capalamnan nitong utos ay pagtitibayin ó pauaualang bagsic, capag nadin~gig ang tinuturang may sala sa loob n~g pitongpu at dalauang oras na susunod mulang magaua ang pagbibilango. Ang sino mang tauong mapiit ó mabilango sa caparaanang nasisinsay sa ipinaguutos ó sa man~ga gauang di nabibilin sa cautusan ay pauaualan agad sa cahin~gian niya ó nino mang mamamayan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap