United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug nang bahay ó sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang cadahilanan. Sino mang taga Pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay ó n~g lupang tahanan, cun hindi ito ipagutos sa hatol na ilinagdá nang catampatang may capangyarihan, capagnadin~gig ang may usap, sa man~ga bagay na nabibilin sa cautusan.
Ang paghahalughug n~g man~ga casulatan at casangcapan ay gagauin palagui sa harap n~g mayari ó nang isang casambahay nito, at cun uala ay sa harap nang dalauang sacsing cahangan ó cababayan. Hindi mapipiguil at hindi rin mabubucsan nang Punongbayang hindi Hucom ang man~ga sulat na inihulog sa coreo.