Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 24, 2025
Ang pasiyang capalamnan nitong utos ay pagtitibayin ó pauaualang bagsic, capag nadin~gig ang tinuturang may sala sa loob n~g pitongpu at dalauang oras na susunod mulang magaua ang pagbibilango. Ang sino mang tauong mapiit ó mabilango sa caparaanang nasisinsay sa ipinaguutos ó sa man~ga gauang di nabibilin sa cautusan ay pauaualan agad sa cahin~gian niya ó nino mang mamamayan.
Ang alin mang pagpiit ay pauaualang bagsic ó isusulong sa pagcabilango sa loob nang pitongpu at dalauang oras mulang isulit ang napiit sa Hucom na may capangyarihan. Ang pasiyang isadya sa alin man sa cabagayang yaon ay ipatatanto sa may han~gad sa loob n~g nasabing panahon ó tacdá. Hindi mabibilango ang sino mang taga Pilipinas cun ualang utos ang Hucom na may capangyarihan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap