United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cayó po ang may arì n~g inyóng calooban, guinoo, at n~g inyóng hinaharap na panahón, ang sinabi niyá cay Crisóstomo, na nananatili sa hindi pag-imíc. N~guni't cung itutulot po ninyó sa akin ang isáng pagpapahiwatig, sasabihin co sa inyó: Tingnán po ninyóng magalíng ang inyóng gágawin, inyóng papag-aalabin ang pagbabaca, palibhasa'y cayó'y may salapî at catalinuhan at macacakita agád cayó n~g maraming m~ga kagawad, at sa cawaláng palad ay maraming masasamâ ang loob. Datapuwa, sa pagbabacang itóng inyóng gagawin, ang lalong man~gahihirapa'y ang m~ga waláng icapagtátanggol at ang m~ga waláng malay. Ang m~ga damdamin ding may isáng buwán na n~gayóng sa aki'y umudyóc na sa inyó'y makiusap, upáng hin~gin ang m~ga pagbabagong útos, ang m~ga damdamin ding iyan ang siyáng umaakit n~gayón sa aking sa inyó'y magsabi na maglininglining muna cayó. Hindi pô nag-iisip ang m~ga tagaritong humiwaláy sa Iná n~g ating kináguisnang lup