United States or San Marino ? Vote for the TOP Country of the Week !
Iniligtas ninyó ang aking búhay ang sinabi nitó sa wicang tagalog, dahil sa pagcamasid niya sa kilos ni Ibarra; binayaran co n~g cauntì ang aking utang at walâ n~gâ cayóng sucat kilalaning utang na loob sa akin, tumbalíc, acó ang ma'y kinikilalang utang na loob. Naparito pô acó't n~g makiusap sa inyó tungcól sa isáng bagay.
Atin munang ticmang gawin bago tayo gumamit n~g isang paraang kinacailan~gang magsabog n~g dugo, ang isinagót ni Elías, Dapat na macapagtacá po sa inyó, na acó, na isá rin namang sawing palad, bata at malacás ang catawan, ang siyang makiusap sa inyo, na cayo'y matanda na't mahina, n~g m~ga paraang payapa: at ganito, sa papca't aking napanood ang lubhang maraming cahirapang tayo rin ang may cagagawang gaya rin n~g m~ga cagagawan n~g m~ga malulupit; ang mahina ang siyang nagbabayad.