Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 20, 2026
Lumubóg na mulí bagá ang mariquit na princesa, icatlóng pag-litao niya ang batia'i, siniquil na. Mulí namang inalitao ang daliri niyang mahal, ito namang si don Juan pagtulog ay cahimbingan. Sa hindi rin cunin ngani singsing doon sa daliri, ay inihulog na mulí umahon siyang madalí. Nang sa princesang maquita si don Juan niyang sintá, himbing na ualang capara ay guinising nanga niya.
Sa calaunang pag-litao singsing sa daliri'i, taglay, sino ang cucuha naman natutulog si don Juan. Sa uala nganing cumuha singsing sa daliri niya, mulíng lumubóg pagdaca itong si doña María. Lumitao na muling tambing itong princesang butihin, at hinihintay na cunin ang na sa daliring singsing. At sa uala ring umabot singsing niyang isinipot, nasoc sa caniyang loob si don Jua'i, natutulog.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap