United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Puso,i, nalipos nang lumbay at hapis, ang luha sa mata,i, laguing nagbabatis, naualay sa ama,t, aling nagtangquilic: anopa at naguing hantun~gan nang saquit. May alagang pari sabihin ang aua, dapoua,t, quinusang di nagpahalata, nang lalong mauagas ang puso at diua, luminis sa apoy nang madlang dalita.
Sa Dios, at di na sa bibig naualay ang Jesús na n~galang catamistamisan, at uala n~ga cundi si Jesús na lamang sa hinin~ga niyang pinagbubuntuhan. Caniyang pinag-nanasa ang malabis na makita niya ang Dios sa lan~git, at yaon ang siyang ikinasasabic na muntima,i, hindi maualay sa isip.
Naiuan sa ama na caaua-aua, salat sa ligaya,t, sa dusa,i, sagana, naualay sa ina baquit batang bata bagama,t, sa bait ay lubhang matanda. Dan~gang may capatid isang binibini dito sa mag-ama ay siyang nag-iui: pan~gala,i, Emilia, mahinhing babayi, matalinong isip, daig ang lalaqui.
N~guni at sa gayong casamaang palad ang may pitong taón bilang nang maganap, si Margarita ay naulilang cagyat sa mapag-palayaw na Ináng masicap. Ang magandang gaua na naguing ca-acbay sa caniyang puso ay bigláng naualay, at ang pagcauili niyong pag-sasanay sa dating ugaling man~ga cabanalan.