United States or Barbados ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maganda ang umaga: nagpapasimulâ na n~g pagtinggád ang túbig, at sa liwanag na nanggagaling sa lan~git at sa sinag na sa tubig nagmúmulâ, ang nangyayari'y isáng caliwanagang tumátanglaw sa m~ga bagaybagay, na halos hindî nagcacaanino, isáng maningning at malamíg na liwanag, na nahahaluan n~g m~ga culay na ating napagwawari sa m~ga tan~ging pintura tungcol sa dagat.
Pinagpipitagan co ang inyóng pighati, ang muling sinabi ni Elías, at napagwawari co ang inyong panghihiganti; acó nama'y gaya rin ninyo, at gayón man, sa aking pan~gan~ganib na baca aking masugatan ang waláng malay, lalong minamagaling co pa ang calimutan co ang aking m~ga casawiang palad.
Marahil dito'y may m~ga ilang camalíang hindi co napagwawari n~gayón, marahil may camalian sa balac na sinisira pagdating sa paggawa, sapagca't sa España, sa Ináng-Bayan, ang Guardia Civil ay gumawa at gumagawa n~g totoong malalaking m~ga cagalin~gan.