United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang násang yumama,t, háring mapataniág, at uháo sa aquing dugô, ang yumacag, sa púso ng Conde, sa gauáng magsucáb ¡o napacarauál na Albaniang Ciudad! Mahigpit cang abá sa mapag-punuán n~g han~gal na púnò at masamáng ásal, sa pagca,t, ang Haring may han~gad sa yaman ay mariing hampás nang Lan~git, sa bayan.
Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan, lason sa púso mo nang hindi binyagan, nacucut-ya acóng dí ca saclolohan sa iyong nasapit na napacarauál. Moro aco,i, lubós na táong may dibdib, ay nasasacalo rin ng útos ng Lan~git, dini sa púso co,i, cusang natititic natural na leyng sa abá,i, mahapis.
Salita Ng Araw