United States or Guatemala ? Vote for the TOP Country of the Week !
Leoning, hindi sa pagpuri ng harapan ay masasabi ko sa inyong si G. de la Rosa ay isang mapagwagi sa katalinuhan na siyang karapatdapat putungan ng laurel ng tagumpay. At pagkasabi nito ng kinatawan ay tinapunan ng isang tingin ng ating binibini ang binatang pinapurihan. Ang tinging yaon na may kahalong ngiti ay nangahulugan para kay Eduardo ng isang pangarap na puno ng pagasa at buhay.
Nguni't ang pagkaawa niyang yaon ay nangahulugan ng kanyang pagkapipi sa dahilang hindi mabigkas ng bibig ang isasagot, samantalang, sa katotohanan ay di natin nababatid ang mga lihim ng kanilang puso. At upang matalos naman natin kung bakit ang binibini ay parang sumisikdo ang puso at parang tinatahip ang dibdib ay narito ang dahilan. Siya ay di natin dapat pagkamalang natatakot.
Salita Ng Araw