United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ilang saglit pa at nagkaharap ang magkapatid sa nasasaksihan n~g dalawang matanda. Sa unangunang tin~gin lamang n~g lalaking iyong maputla't waring hindi nagtikim n~g tulog sa magdamag nanagdaan, ay naibulalas nang lahat ang tanang ibig sabihin sa kapatid na ipinalalagay na nagkasala. Si Elsa ay lumin~gon na lamang at nagtapon n~g isang titig na humihin~gi mandin n~g saklolo sa ale.