United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinanggap din naman ni párî Antonio Obach; jesuitang misionero sa Dapitan, ang isang sulat ni párì Pablo Pastells, Superior n~g Misión n~g m~ga páring Jesuita sa Filipinas, na doo'y ipinagbibiling sacali't ibig ni Rizal na tumirá sa convento n~g misionero, ay sa ilalim n~g tatlong bagay na gágawin ni Rizal: Una, hayag na tátalicdan at pagsisisihan ni Rizal ang canyang m~ga sinabing laban sa religión católica, at maghahayag siyá n~g m~ga pagpapatotoong iniibig niya ang España at kinalulupitan niya ang m~ga cagagawang laban sa España; icalawá, na bago siya tangapín ay gágawâ muna siyá n~g m~ga "santo ejercicio" at sacâ "confesión general," n~g canyang dinaanang buhay; at icatló, na sa háharaping panahon ay magpapacagalìng n~g asal, na ano pa't siya'y maguing ulirán n~g ibá sa pagca masintahin sa religión católica at sa España.
Salita Ng Araw