United States or Hong Kong ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tahimik, at ang datidating yabag n~g m~ga paang lumalakad sa pagyayao't dito n~g m~ga tabakero, sa pagkuha n~g m~ga "material" na gagamitin, at ang pagpupukpukan sa m~ga "tapadera" nila n~g m~ga pangbuling gamit, saka ang mataginting na tunóg n~g m~ga "chaveta" na ipinangdadapa n~g m~ga nag-alimbutod na "butó" n~g dahon n~g tabako, at sampu na n~g malalakas na awitan n~g m~ga tabakera, noon ay pawang di na naririnig.
Dito, kung papayag kang gumawa, at man~gan~gako pang hahanap n~g ibang magsisigawa rin ay bíbigyan kita n~g katan~giang makagawa n~g hanggang ibig mo; alalaong baga'y hindi ka tatasahan sa m~ga "material" na gagamitin, at sa gayo'y kikita ka n~g higit sa lahat, higit sa dating kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa kasalukuyang ginagawán mo. ¿Anó, nanayag ka ba?
Salita Ng Araw