United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
May palagay akong, maliban sa ilang pangyayaring katha, ang lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba, ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti. Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan.
Ang gabi ay tahimik at ang maliwanag na sikat ng buwan ang siya lamang nakakamalag sa dalawang pusong mapalad na yaon. Saan naroon ang dalawang ito? Saan natin sila makikita? Datapwa't kung nais natin masaksihan ang kanilang maligayang paguulayaw ay narito at madali nating makikita. Ating tingnan ang halamanang maraming bulaklakan nila Leoning.