United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ano ay caguinsa-guinsa ang lúpa ay umugong na, siyang pagdating pagdaca nang serpienteng palamara. Sa hagdana'i, lumapit na tinauag na si Leonora, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang ibá. Sumagót si don Juan sa serpienteng tampalasan, yaring espada cong tagláy aalis nang iyong búhay. Anang serpiente'i, ganitó iyan ang siyang hanap co, ualang pagsalang totoó icao ay bibihaguin co.
Sa pag-uusap nila nang príncipe at princesa, siya nangang pagdating na nang giganteng palamara. Sa hagdan nang dumating na tinauag si doña Juana, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang ibá. Si don Jua'i, sumagót nga anong dami mong usisa, aco ang siyang nagsadyá sa princesa mong alagá. Anitong gigante naman malaqui cong catuaan, mayroon acong dinatnan na sucat cong icabuhay.
Salita Ng Araw