United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Niyong oras nang vísperas nang si don Jua'i, ilapág, ang águila ay nangusap ito ang ipinahayag: Dito na quita iiuan ay magtago ca don Juan, nang hindi ca mamalayan nang manga princesang mahal. At mamayang á las cuatro ualang sala't, paririto, mahal na princesang tatló na maliligo sa baño. Di mo bagá naquiquita bañong paliguan nila, may sariling titig-isa at hindi nga magsasama.
Ngayo'i, lalong mabuti pa tayong tatló'i, magsasama, at huag nating ipaquita sa mahal na haring amá. Doon nga tumahan sila tatlóng magcapatid bagá, ang tuá ay sabihin pa sa cabunducang Armenia. Ay ano'i, caguinsa-guinsa isang balón ang naquita, ibig ni don Juan bagá ang lalim mataróc niya. May lúbid nga sa ibabao ang balón nilang dinatnán, ay nag-uica si don Juan acó ay inyong talian.