United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga ang sugat ay totoong unti, ay siya na roon ang anlalaua; n~guni cun malalim ang sugat at munti ang butas ay cailan~gang lac-han nang caunti ang butas bago gamutin. Cun ang sugat ay malaqui, caalamalam mamamaga muna, bago magnacnac; ang maysaquit ay lalagnatin, at cun minsan ay tila masisirasira ang bait.
Saca cuscusing palibot ang man~ga tabi nang sugat, hangang sa tatlong daliri calayo doon sa sugat, nang timbang saicapat nang ungüentong tinuran co can~gina, na bilin sa número 28; at ito,i, gagauing minsan arao-arao. Ang sugat ay gagamutin at babahauin para nang ibang man~ga sugat; datapoua maigui ring pabayaan munang magnacnac nang malauon.