United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa inyo'y walang nagagawi sa aming matagaltagal na. Ibig naman daw n~g kumare ko na magkitakita tayong minsan pa, ikinatlo ni donya Basilia pagkarinig sa himig n~g ganyang payapa nang paguusap, kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na matulog si Elsa kagabi. ¿Nagagalit ka ba sa kanya? ang tanong pa.