Kung ano ang sidhi n~g loob mo, Elsa, sa iyong sulat ay siya namang sidhi n~g loob kong magkaniig tayo, paris n~g ating pinagusapang minsan: datapwa't hangga n~gayon ay nasa paghihintay na lamang ako ... ang may himig n~g panunumbat na nasabi n~g makata sa pagkapagusap nilang iyon. Panahon lamang, Tirso, ang wala sa atin ... ang nagpapasigla n~g pagasang isinagot noon n~g mestisa.