United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ñguni,t, itong lahat na mañga bagay na ito,i, inililihim niya,t, ipinagcacaila sa caniyang magulang; at nang siya baga,i, macabayad nang ibang mañga utang niya, ay sari-saring idinadaing at ipinagdadahilan sa caniyang ina sa mañga lihim na sulat, nang siya,i, padalhan nang caunting salapi.
Nang mangaling si cabezang Andrés sa Maynila, nang macabayad na sa nasabing mañga utang, ay tinauag niya si Próspero, at pinañgusapan niya sa harap ni cabezang Angi at ni Felicitas nang ganito: Proper, malalaquing totoo ang perjuicio at casiraang guinaua mo sa magulang mo,t, capatid. Hindi lamang naualan tayo nang pag-aari, cundi puri natin ay cacalat-calat sa bibig nang tauo.