United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Muling tumunóg ang música: tumutugtog si Iday n~g arpa, at ang m~ga lalakí namá'y m~ga acordeón at m~ga guitarra, na humiguit cumúlang ang "afinación;" datapuwa't si Albino ang magaling tumugtóg sa lahát, sa pagca't tunay na kinacamot ang guitarra, nagcuculang sa "tono" at mayatmaya'y sumisinsay sa compás, at caguinsaguisa'y nacalilimot, caya't lumilipat sa sonatang ibang ibá sa dating tinútugtog.
Cun minsan ang saquit ay ungmaalis sa isang pisn~gi, at lumilipat sa cabilang pisn~gi, at napapacalat sa noo, sa liig at sa batoc; cun gayon ay malalauon ang saquit. Cun malaqui ang saquit, ay parating mayroong lagnat; sira ang bait nang maysaquit, at cun hindi paanyo ang pag-gamot doo,i, namamatay cun minsan, lalo pa cun matanda ang may catauan.