Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 3, 2025
Isa sa m~ga libritong tagalog na sagot sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez ay ang nacafirma'y si Dimas Alang, pamagat ni Rizal, na siyang sumulat n~g libritong iyon.
Hindî nalaon at sinagot n~g m~ga tagalog ang m~ga libritong CAIINGAT CAYO ni fray José Rodriguez n~g m~ga librito ring pinamagatan naman n~g CAIIGAT CAYO, sa macatowid baga'y magpacaigat, tumulad sa igat, na sa cadulasan n~g catawan ay nacahahagpos sa camay n~g humuhuli. Cung minsa'y Dolores Manapat at cung minsa'y Salvadora Liwanag ang nacafirma sa m~ga libritong iyon.
Niyo'y icapat na araw n~g Octubre n~g 1888, casalucuyang ipinagpifiesta ang San Francisco de Asis, na hindî magcasiya sa simbahan n~g m~ga franciscano sa Maynilâ ang dami n~g taong nagsimbá sa misa mayor; n~g matapos na ito'y may apat ó limang batang lalaki na namamahagui, sa nagsisilabás sa simbahan, n~g m~ga libritong waláng pinag-ibhan ang culay n~g takíp sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez, at ang pamagát ay Caiingat cayo. Nang matatapos na ang paglabás n~g m~ga tao'y nátanawan n~g isáng fraileng franciscano, buhat sa bintán
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap