United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang Dr. W. Joest, profesor sa Universidad n~g Berlín, marilág na geógrafo. Naglathálâ n~g pagtatacá at pagpapaunlác cay Rizal. Ang Dr. H. Kern, profesor n~g Sánscrito sa Universidad n~g Leida at pan~gulong malayista sa daigdig. Pinuri niyá ang m~ga librong cathâ ni Rizal.

Pakingan naman natin n~gayón ang salitâ n~g pahám na manunulat na castilang si D. Wenceslao E. Retana: "Pagcatapos anya nang maiclíng casaysayang ito, na nagpapakilala n~g isáng culabóng sinag n~g malakíng pangguiguilalás n~g gayong caraming lubhang maririlag na m~ga tao, man~gan~gahás camíng isumag ang pasiyang sinabi sa Gobierno tungcól cay Rizal n~g Excelentísimo Señor Don Nicolás Peña, Auditor n~g Ejército n~g Filipinas. Alinsunod sa sinabi n~g guinoo, si Rizal ay isáng pan~gahás na hindî man lamang marunong sumulat at hindî maalam mag-isíp ísip.... ¡Lakíng kahapishapis na caibhán ang namamasdan sa pasiya n~g Guinoong Peña, na caya lamang kilalá ay salamat sa "Anuario Militar n~g España", sa m~ga pasya n~g m~ga Virchou, n~g m~ga A. B. Meyer, n~g m~ga Kern, n~g m~ga Blumentritt at n~g lubhang maraming m~ga pantás na hinahan~gaan at bantog sa boong sinucob! Datapuwa't lalo n~g kahapishapis ang isa pang pagcacaiba: ang sinasalitâ n~g "La Independencia" sa canyang pagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g boong sancataohang may magandang asal n~g maalaman nila ang pagcamatay ni Rizal ... "Laking kaibhang-anang "La Independencia" n~g ganitong pagpapakita n~g sancataohan n~g canyang pagpipighatî sa pagpatáy cay Rizal, at yaong "sayáw sa m~ga patay" na guinawâ n~g m~ga castíl

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap