Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 6, 2025
¿At ikaw ba ang babago sa kapalakarang iyán? ang nakatawang tugón agad ni Gervasio. Kung hindi man gayon ang mangyari ay maging pasimulang hakbang man lamang sa pagbabagong buhay n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas. ¡Ha, ha, ha, ha,...! ang halakhakang nagkapanabay n~g dalawa, at saka ang sabi ni Pablo: Alalahanin mong may asawa ka at m~ga anák, na madadamay sa paghihikahos.
Ibinaba pang muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola" at ang lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima sa gayong m~ga bagong utos at kapalakarang pinaiiral n~g may pagawaan. Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat n~g bagay na magalin~gin n~g puhunan ...
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap