Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Oktubre 24, 2026
Hindi quinuha nang Dios ang babaye sa ulo nang lalaqui; sapagca,t di itinalagá na gauing pan~ginoon mag uutos sa lalaqui; hindi quinuha sa paa at nang di irin~gin at ariing hamac na parang alipin. Quinuha sa tadyang sa tapat nang pusó, nang pacamahalin at nang ariing isang casama, na cacatulun~gin sa pagtitiis nang hirap sa buháy na ito.
N~guni ang paglalagay sa estado ay dapat daanin sa dahan-dahan, at houag namang papag asauahin sa di nila na iibigan, sa pagca,t, cun pilitin, cun pagbalaang parurusahan cun hindi pumayag, o di man pilitin at pag balaan ay pag paquitaan nang masamang muc ha, palaguing an~gil an~gilan o irin~gang caya, sa cahinaan nang loob nang isang babaye, marahil ay mapait man sa caniyang loob ay pumayag sa magulang, na mag asaua sa di nila ibig.