United States or Zambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa ganáng akin, ang mátutunghayán n~gayón n~g m~ga mambabasa ay isáng aklát na mainam, isang aklát na dapat bigyán n~g papuri, hindi dahil sa itó'y nakáwiwili lamang basahin kundi alang-alang pá sa wagás at maníngníng na damdamin n~g kumatha: ang maalab niyáng nasang ang dukha ay igalang at masugpu ang ugaling hanggáng n~gayon ay umiiral pa sa ibá, at kung minsán ay sa dukha rín, na inuuna ang salapi bago ang lahát; minámahál na higít sa puri, sa dan~gal, sa katungkulan at wastong ugali.
"Ang may mataas na kalooban ay inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban ay inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri." =Dapat magkaroon n~g isang pan~gun~gusap= "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa." =Ang panahon ay ginto= "Huwag mong sasayan~gin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; n~guni't panahong nagdaan na'y di na muli pang magdaraan."