United States or Eswatini ? Vote for the TOP Country of the Week !
Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang m~ga kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising sa laot n~g m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang tan~ging kasama noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang kahoy na maaaring magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman.
N~guni't si Martinez, na talagang inaalihan noon n~g malaking paghahan~gad na makapaghiganti sa katotong ipinalalagay niyang umagaw n~g kanyang ligaya, ay di nabalino sa gayong namamalas na kilos n~g kausap, kundi bagkus nagpakatatag at parang nakatanaw n~g nalalapit na pagwawagi. ¡Ikaw ang bahala, Silveira! ¡Kung ayaw kang maniwala, ay mapanisan ka n~g laway n~g dilat ang iyong m~ga mata!