United States or Libya ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mawika ito hin~ga'y nagka-buhól kaya n~ga't napatid ang masinsing taghóy, ay siyang pagdating namáng nagkataón katotong dalaga n~g na sa lingatong. Sa mamasda'y dagling nilugsó't dinamá tinutóp ang noo't dibdib n~g may dusa saka tinawagan, ang wika'y ¡Marcela! siyang pagka-ugpong nan~giling hinin~gá.
N~guni't si Martinez, na talagang inaalihan noon n~g malaking paghahan~gad na makapaghiganti sa katotong ipinalalagay niyang umagaw n~g kanyang ligaya, ay di nabalino sa gayong namamalas na kilos n~g kausap, kundi bagkus nagpakatatag at parang nakatanaw n~g nalalapit na pagwawagi. ¡Ikaw ang bahala, Silveira! ¡Kung ayaw kang maniwala, ay mapanisan ka n~g laway n~g dilat ang iyong m~ga mata!
Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g araw ula'y pasin~gawin noong kainitan, magbalik sa lan~git n~g boong dalisay kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotong giliw tan~gisang maagang sa buhay pagkitil: kung tungkol sa akin ay may manalan~gin idalan~gin Báyan yaring pagka himbing.