United States or Myanmar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Paano'y sa siyang pinaiiyahan n~g lalaki, ay parating nagkakaroon n~g salabid tuwing ipagbabalak n~g araw at pook ang ikabubunsod n~g gayong salitaan. Sa loob n~g panahong iyan na hindi rin idinarating n~g sulat ni Teang, kay Tirso naman ay lalong nagtitibay ang paniniwalang napalun~gi n~ga ang kanyang palad sa babaeng kung bakit ba't napaghabilinan niya n~g kanyang boong pagtitiwala.
At, habang dumarami ang m~ga araw na hindi idinarating n~g sulat na pan~gako ni Teang, ay patuloy namang pumapanaw kay Tirso na parang kimpal n~g ulap na nawawala sa katingkaran n~g sikat n~g araw, ang pan~gala't alaala n~g babaeng binanggit, katiyap n~g untiunting paguusbong sa pitak n~g kanyang puso, tulad sa halamang busog sa alaga, n~g pagkahalina sa m~ga pakibang loob n~g malulugding mestisa.
Salita Ng Araw