United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sagot nang ermitaño don Juan iyang hanap mo, maghihirap cang totoo at ang ibo'i, encantado. Isinagót niya naman cahit aquing icamatáy, ituro mo po ang lugar at aquing paroroonan. Ang sagot nang ermitaño don Jua'i, maquiquita co, na cun bagá nga totoó ang pagsunód sa amá mo. Ang cahoy mong naraanan cauili-uiling pagmasdan, yaon ang siyang hapunán nang ibon mong pinapacay.

Sa toua niya't, ligaya sa cahoy niyang naquita, oras nang á las cinco na madlang ibo'i, nagdaan na. Sa gayong daming nagdaan manga ibong cauan-cauan, ualang dumapo isa man sa cahoy niyang namasdan. Ganitong diquit na cahoy ualang ibong humahapon, ito'i, di co mapagnoynoy cahalimbaua co'i, ulól. Ang cahoy na caagapay mayroong ibong nagdaan, ito'i, siyang tangi lamang bucód na hindi dapuan.

Anang matanda'i, ganitó ang pagcatahan co rito, nang aco'i, mag-ermitaño ualóng daang taóng hustó. Ay hindi co naalaman cahariang de los Cristal, anhin co'i, malayong lugar ang sadyá mong linalacbay. Tingnán cun sa aquing sacop ibong naglipád sa bundóc, cun canilang na aabot yaong reinong cristalinos. Sa pintua'i, lumapit na campana'i, tinugtóg niya, tanang ibo'i, capagdaca nagcatipong para-para.

Salita Ng Araw

obat

Ang iba ay Naghahanap