United States or Laos ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito ay di na maitugon ni Tirso ang hindi ikapangyayari n~g ganyang hinuha. Nalalaman niyang sa salitaang kinasasangkutan n~g isang magulang at isang asawa, ang una ang dapat pahalagaha't kilalanin, kasakdalang itong huli ay maduhagi at mapawakawak. Isang kawikaang kagalanggalang ang nagsasabing "sampu mang asawa ay makikita kung mawala, datapwa't hindi ang isang magulang."
Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa dumarating. Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong makita nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha. ¡Pagkatagaltagal...! ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.
Salita Ng Araw